YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 10, 2015

Traffic re-routing para sa Ati-Atihan 2015 sa Boracay, ipinaalala ng MAP

Posted January 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Walang grupong dadaan sa main road.

Ito ang paalala ng Municipal Auxiliary Police (MAP) Boracay para sa Boracay Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival sa Linggo, kasabay ng inilabas na traffic re-routing.

Ayon kay, Municipal Auxiliary Police Chief Rommel Salsona, galing plaza lalabas sa likod at dadaan ang mga grupo papuntang mainroad papuntang Willy’s Beach Front.

Iginiit din nito na one way lamang at walang magsasalubong at ganito rin ang ruta pagbalik.

Para naman sa mga sasakyan at tracking, sinabi ni Salsona na nagpadala na rin ng notice ang BFI sa kanilang mga myembro, kung saan iiwasan anya ang traffic.

Mas maganda na rin umano para sa mga che-check out na mag-check out na nang maaga upang hindi maipit sa daloy ng trapiko.

Kaugnay nito, ipinaalala din ni Salsona na iwasan ang traffic o ruta sa Balabag Plaza dahil sa inaasahang pagdagsa ng maraming grupo ngayong taon.

No comments:

Post a Comment