YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 10, 2015

Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival umarangkada na

Posted January 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umarangkada na kahapon ang inaabangang selebrasyon ng Santo Niño Ati-Atihan Festival 2015 sa bayan ng Kalibo sa lalawigan ng Aklan.

Nagsimula ito kahapon Enero 9 at magtatapos sa Enero 18 kung saan isang makulay at masayang selebrasyon ang inaasahang masasaksihan sa araw ng Sabado at Linggo.

Nabatid na sa sampung araw na selebrasyon ibat-ibang okasyon at patimpalak ang isasagawa ng Local Government Unit ng Kalibo kasama ang Kalibo Santo Niño Foundation Inc. (KASAFI) at ang Provincial Government ng Aklan.

Kabilang rito ang isinagawang koronasyon ng Mutya it Kalibo Ati-Atihan 2015 kagabi kasama na ang isasagawang sad-dad o street dancing ng ibat-ibang departamento, organisayon, paaralan at mga establisyemento sa Aklan at ang Higante at Festival contest sa darating na Huwebes kasama ang lahat ng LGU sa probinsya .

Samantala, bilang highlight ng nasabing okasyon ngayong darating na Sabado at Linggo, magaganap naman ang street competition tampok ang mahigit sa 20 mga kalahok na tribo para sa Ati-Atihan contest.

Kaugnay nito inaasahang libo-libong tao at deboto ni Senior Santo Niño ang dadalo sa sikat na Ati-Atihan Festival at tanyag na “mother of all festival” sa bansa.

No comments:

Post a Comment