Posted January 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sakay ng eleganteng barko ang 2, 394 na pasahero at
800 na crew.
Ayon kay Special Operations Officer III Jean Pontero ng
Catilcan Jetty Port, dadaong ang bandang alas-12 ng tanghali at aalis naman
bandang alas-8 ng gabi.
Sinabi din nito na wala umanong maiden call na
mangyayari sa pagbisita ng nasabing cruise ship dahil sa makailang beses na rin
itong bumisita sa isla.
Sa kabila nito mas paiigtingin din umano nila ang
kanilang gagawing seguridad sa mga lugar na bibisitahin ng sakay ng mga cruise
ship katulad ng Mt. Luho, Puka Beach, D’Mall at Ati-Village.
Nabatid na ang MS Costa Victoria ay kilala bilang
isa sa mga eleganteng barko na dumaong dito sa Boracay dahil sa angkin nitong
ganda at mga pasilidad sa loob.
Samantala, karamihan sa mga pasahero ay mga European
at isang daang Chinese passengers habang 20 porsyento sa 800 crew ay mga pinoy.
No comments:
Post a Comment