Posted January 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES
FM Boracay
Base sa impormasyon, sinabi
sa text message ng boat captain ng M/V SF Carrier na nag-shelter o sumilong lamang
umano sila dahil sa malakas na alon.
Subalit kinumpirma
naman ng Coast Guard na nakabase sa New Washington Aklan na sumadsad ang
nasabing barko alas tres ng madaling araw kahapon makaraang mag-deliver ng
semento sa Aklan.
Samantala, sa ngayon
ay nakuha na ang nasabing barge sa lugar subalit sa kabila nito ay tinututukan
parin ng Coast Guard ang lugar dahil sa posibilidad ng oil spill.
No comments:
Post a Comment