Posted January 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inereklamo ng management ng isang restaurant sa
Balabag Boracay ang lalaking Portuguese national matapos na magwala sa nasabing
lugar kagabi.
Ito’y matapos na magalit umano ito nang iabot sa
kanya ang bill ng kanyang mga kinain.
Hindi umano kasi makapaniwala ang turistang si
Osorio Donizeti Santa Ana sa laki ng kanyang babayaran.
Subalit iginiit ng Dining Manager na si Vanessa
Andrade na voided na ang nasabing bill at kailangan nya itong bayaran.
Sa kabila nito, tumanggi na ang Dining Manager ng
nasabing restaurant na sabihin ang halagang babayaran ng turista.
Samantala, nang magharap sa himpilan ng BTAC ay nagkasundo din ang huli na sa
pagitan na lamang nila aayusin ang kaso.
No comments:
Post a Comment