Posted January 6, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinulong ngayong araw ng Malay Municipal Tourism
Office (MTour) ang mga kalahok para sa Boracay Ati-Atihan 2015.
Alas dyes kaninang umaga nagsimula ang nasabing
pagpupulong sa Boracay Action Center sa pangunguna mismo ni Malay Chief
Operations Officer Felix Delos Santos.
Dito, inilatag ng MTour ang mga iskedyul ng
aktibidad gayundin ang mga proposed activities magmula Enero 9-11, 2015.
Ilan sa mga pinag-usapang itatampok sa naturang
selebrasyon ang parada, barangay council parishioners night, kabataan night,
live dance, hip hop dance contests at iba pa.
Kaugnay nito, sinabi naman ni MTour Officer Gian
Kyle Tapian, na nasa mahigit 20 na ang mga nagpalista para sa Modern at
Individual Category ng Boracay Ati-Atihan Festival.
Samantala, nabatid na sa ika-9 ng Enero gaganapin
ang Judging ng Individual Category, habang sa ika-10 naman ng Enero ang Judging
ng Tribal Category at sa ika-11 ng Enero ang magiging kapistahan.
Layunin naman ng MTour na ma-e-promote ang Boracay
Sto. NiƱo Ati-Atihan Festival bilang bahagi ng turismo sa bansa at maipakilala
ang isa sa mga kulturang Pilipino.
No comments:
Post a Comment