Posted January 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang nakapagtala ang Boracay PNP Station ng ilang
kaso ng mga nakawasan sa isla ng Boracay ngayong araw.
Katunayan ilang turista ang nagreklamo sa himpilan ng
pulisya matapos na mawalan sila ng mga gamit katulad ng cellphone at wallet na
iniwan sa beach area habang naliligo sa dagat.
Wala namang nagawa ang mga pulis para matunton ang mga
sinasabing suspek dahil sa hindi din makapagbigay ang mga biktima ng
impormasyon sa responsable sa nakawan.
Pinaalalahanan naman ni BTAC o Boracay Tourist Assistance
Center Officer In Charge PSInsp. Fidel Gentallan ang mga turistang maliligo sa
dagat na kung maaari ay huwag ng madala ng mga mahahalagang gamit sa oras na
maligo ang mga ito sa dagat.
Aniya, dahil sa sobrang dami ng tao sa beach area ng
Boracay ay hindi na matukoy dito kung sino ang mga may may maiitim na balak.
Nabatid na ang nasabing insidente ay kadalasan na ring
nangyayari sa isla ng Boracay kung saan paboriting biktimahin ng mga magnanakaw
ay ang mga turistang naliligo sa dagat.
No comments:
Post a Comment