Posted January 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Local Government
Unit ng Malay para sa nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)
Summit sa Boracay.
Sa ginanap na 1st Regular SB Session ng Malay
nitong Martes sinabi ni 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at SB Member
Rowen Aguirre na nag-laan sila ng pondo para sa ilang preperasyon sa gaganaping
ministerial meeting sa isla.
Kabilang umano rito ay ang pagsasaayos ng mga kalsadahin sa
Boracay at ang National road mula sa Kalibo International Airport papuntang
Caticlan sa bayan ng Malay katuwang ang National Government at Department of Public
Works and Hi-ways (DPWH).
Ayon pa kay Aguirre malapit na din umanong simulang
maitayo ang mga street lights sa isla na may LED para rin sa paghahanda sa
naturang Summit.
Sinabi pa nito na ilang meeting na rin umano ang kanilang
ginawa kasama ang mga organizing committee para sa paglatag ng seguridad at iba
pang preparasyon.
Nabatid na patuloy ngayon ang kanilang ginagawang seminar
tungkol sa APEC Summit sa darating na Mayo kung saan dadaluhan ito ng mahigit
dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa kasama ang kanilang mga
pamilya.
No comments:
Post a Comment