Posted January 6, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Matapos ang
mahabang bakasyon muling magbubukas ngayong unang Martes sa taong 2015 ang SB Session
sa bayan ng Malay.
Isa sa mga
inaasahang pag-uusapan dito ay ang paghahanda para sa nalalapit na Boracay Sto.
NiƱo Ati-Atihan na gaganapin ngayong darating na Enero 9 hanggang 11 at ang
nalalapit na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Mayo.
Nabatid na ilang
proyekto rin para sa taong 2015 sa isla ng Boracay at bayan ng Malay ang
nakatakdang pag-usapan ng Sangguniang Bayan kabilang na dito ang widening
project sa isla at ang e-trike implementation program.
Samantala,
katulad ng inaasahang bubusisiin din ng mga local officials kung ano pa ang
kanilang paglalaanan ng kanilang pondo ngayong taon maliban sa nauna nilang
tinatarget na proyekto para sa mga naturang lugar.
No comments:
Post a Comment