YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, January 09, 2015

Supreme Court Chief Justices sa ibat-ibang bansa bibisita sa Boracay ngayong Marso

Posted January 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatakdang bumisita sa Boracay ang mga Supreme Court Chief Justices mula sa ibat-ibang bansa para dumalo sa isang pagpupulong kaugnay sa ASEAN integration.

Ito ang sinabi ni SB member Rowen Aguirre sa ginanap na 1st regular SB Session ng Malay nitong araw ng Martes.

Aniya, inaasahang tutungo ang mga ito sa Boracay ngayong darating na Marso 1-3 kung saan mayroon umano silang mga pipirmahang dokumento na may kaugnayan sa nagpapatuloy na ASEAN integration.

Samantala, inaasahan umanong aabot sa lima hanggang anim na raang ka tao ang dadalo para dito na gaganapin naman sa Shangri-la Boracay.

Kaugnay nito kailangan umano nilang maghanda para sa kanilang ilalatag na seguridad sa lahat ng mga pangunahing lugar sa Boracay.

Sa kabilang banda sa darating naman ng buwan ng Mayo 10-26, 2015 gaganapin ang Asia Pacific Economic Cooperation sa Boracay.

No comments:

Post a Comment