Posted January 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging matiwasay ang kabuuang selebrasyon ng New Year sa
probinsya ng Aklan base sa pagtaya ng Aklan Police Provincial Office (APPO).
Nabatid na dahil sa patuloy na kampanya ng APPO bago sumapit ang bagong taon ng Oplan
Paputol ay wala naman gaanong nabiktima maliban lamang sa lima na kung saan ay
nagtamo ng mga minor injuries sa kanilang ibat-ibang parti ng katawan.
Ayon pa sa APPO wala naman silang naitalang malaking kaso
ng insidente na may kaugnayan sa pagdiriwang ng bagong taon maging sa ilang mga
bayan sa probinsya.
Napag-alaman na todo ang ginawang pagbabantay ng mga
kapulisan sa mga lugar na kung saan ay dinagsa ng maraming mga tao para
salubungin ang bagong taon.
Samantala, naging katuwang ng APPO sa seguridad sa
pagsalubong ng bagong taon sa Aklan ang Provincial Health Office at ang Bureau of
Fire Protection Unit (BFP).
No comments:
Post a Comment