Posted September 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Aminado ngayon ang MTRO o Malay Transportation Office na
hindi dapat maningil ng sobra ang mga traysikel drayber sa Caticlan.
Ayon kay MTRO Senior Transportation Regulation Officer
Cesar Oczon Jr, dapat sundin ng mga drayber ang kanilang taripa maging sa
paghatid nila ng pasahero mula sa Caticlan papuntang Tabon port.
Konsiderasyon o depende na lang umano kasi sa drayber at
pasahero kung magkakasundo ang mga ito sa pamasahe lalo na sa gabi.
Magkaganon paman, tiniyak din ni Oczon na kanilang
sisilipin at aaksyunan ang nasabing problema.
Napag-alamang may ilang traysikel drayber sa Caticlan ang
naniningil ng sobra sa mga pasaherong nagpapahatid sa Tabon port kapag doon ang
iskedyul ng bangka kung saan madalas nabibiktima ang mga pasahero ng bus.
No comments:
Post a Comment