Posted September 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Tatapatan ngayon ng DOT Region 6 ang bookings
cancellation sa Boracay dulot ng travel ban ng China sa Pilipinas.
Sa sulat ni DOT Regional Director Atty.Helen Catalbas sa
mga stakeholders, resorts at hotels sa Boracay, iminungkahi nito ang pagbibigay
ng diskwento sa mga Pilipinong turista sa isla upang mapunan ang mga
binakanteng kwarto ng mga turistang Chinese.
Maliban sa mga discounted room rates na ipapaanunsyo
umano nito sa National Media, hinimok din ni Catalbas ang mga tourist transport
na bigyan ng diskuwento sa pamasahe ang mga turistang Pinoy na pupunta ng
Boracay.
Umapela din ito sa lahat ng mga Aklanon at sa mga
netizens na mag-post ng magagandang larawan ng Boracay kasama ang detalye
tungkol sa iniaalok na diskwento.
Nabatid na naalarma ang DOT 6 sa pagkansela ng room
bookings sa Boracay kasabay ng pagkansela ng international flights mula sa
China sa Kalibo International Airport dulot ng travel ban ng China sa
Pilipinas.
No comments:
Post a Comment