Posted September 18, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito’y dahil sa mabagal na construction para sa renovation
kung saan higit umanong apektado rito ang indigent family.
Maliban dito nalalapit na rin ang Asia Pacific Economic
Conference (APEC) Summit 2015 sa isla.
Sa ginanap na SB Session ng Malay nitong Martes muling
tinalakay ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang kanyang
resolusyon para sa pag fast track ng nasabing pagamutan.
Sa resolusyon nito hinihiling niya sa Department Of
Health (DOH) ang pag fast track nito na siyang may hawak ng proyekto.
Samantala, sinabi pa ni Aguirre na hindi umano kaya ng
Municipal Health Unit ng Boracay ang mga pasyenteng dinadala doon imbes na sa
hospital dahil sa kakulangan din ng pasilidad.
Dahil dito minamadali na rin ng Sangguniang Bayan ng
Malay ang pagpasa ng nasabing resolusyon kung saan muli itong tatalakayin sa second
at final reading ng SB Session.
No comments:
Post a Comment