Posted September 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi lang umano mga deboto ng Senior Santo Niño mula sa
probinsya ng Aklan ang inaasahang dadayo sa Ati-Atihan Festival 2015.
Ito ang naging pananaw ng Kalibo Sto. Nino Ati-Atihan
Foundation, Inc. (Kasafi) kung saan inaasahan din nilang maraming mga turistang
balikabayan ang dadayo sa probinsya para saksihan ang nasabing Kapistahan.
Nabatid rin na kahit mahigit tatlong buwan pa bago ang
Ati-Atihan Festival ay marami ng mga turista ang nag pa-book sa ilang hotel sa
bayan ng Kalibo.
Ayon naman kay KASAFI Chairman Albert Menez, ang
kapistahan umano ng Sto. Niño ay kakaiba kumpara sa ibang festival sa rehiyon
kung kayat dinadayo ito ng maraming deboto.
Sa kabilang banda inaasahan din KASAFI na maraming mga
tribo ang lalahok sa Festival ngayong 2015 mula sa ibat-ibang lugar sa
probinsya ng Aklan.
No comments:
Post a Comment