Posted September 19, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Pormal nang umupo bilang hepe ng Aklan Police Provincial
Office si PSSupt.Iver Apellido nitong nakaraang Biyernes.
Kasunod nito, kaagad pinulong ni Apellido ang mga hepe sa
probinsya kaugnay ng mga programang nais nitong ipatupad sa pagsugpo ng
kriminalidad.
Kaya naman ayon kay Boracay PNP Chief PSInspector Mark
Evan Salvo, ipagbibigay alam niya rin kay Apellido ang susunod na meeting BAG o
Boracay Action Group upang makaharap niya rin ang iba’t-ibang grupong
nagtutulungan para sa seguridad ng Boracay.
Si Apellido ang pumalit kay APPO OIC PSSupt. Samuel
Nacion na sinibak sa pwesto nitong nakaraang linggo.
Samantala, ginaganap naman ang meeting ng BAG pagkatapos
ng Joint Flag Raising Ceremony sa Balabag Plaza tuwing ikalawang Lunes ng buwan.
No comments:
Post a Comment