YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, September 15, 2014

Call center agent, patay matapos malunod sa Boracay

Posted September 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Patay ang isang bakasyunistang call center agent matapos malunod sa Boracay kahapon.

Sa kabila ito ng paabiso ng life guard Boracay na huwag munang maligo sa long beach dahil sa malalakas na hangin at alon dulot ng Bagyong Luis.

Nakilala sa police report ng Boracay PNP ang biktimang si Arturo David 25 anyos ng Dao, Antique.

Ayon sa report, naligo ang biktima at ang kanyang mga kasama sa station 2 nang bigla itong tangayin ng malalaking alon.

Nagpanic umano ang biktima hanggang sa tuluyang nalunod at binawian ng buhay.

No comments:

Post a Comment