Posted September 20, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nailigtas ng Philippine Coastguard Caticlan ang limang
pasahero ng bangkang tumaob sa Boracay kahapon ng umaga na pagmamay-ari ng
isang hotel sa isla.
Ayon kay PO1st Jose Gayuba ng PCG Caticlan nangyari ang
insidente dakong alas-9 ng umaga kahapon kung saan sa kasagsagan ng malakas na
ulan at hangin dulot ng epekto ng bagyong Mario sa bansa.
Aniya, nanggaling ang nasabing bangka sa Tabon Port
patawid ng Tambisaan sa Boracay ng hampasin ito ng malakas na alon dahilan para
ito ay tumaob.
Napag-alaman na sakay nito ang dalawang turista na
kinabibilangan ng isang Australian National na kinilalang si Richard Allan, 51,
kasama ang isang Pinay na si Jenelyn Lobo, 21 na magbabakasyon sana sa isla ng
Boracay.
Nabatid na nailigtas din ng mga rumisponding otoridad ang
tatlong crew kasama ang boat captain na si Richard Timbas, 34 at ang kasamang
nito na sina Andy Garcia at Sammy Holis na parehong residente ng isla ng Boracay.
Samantala, agad namang dinala ng mga rumispondi ang
dalawang turista sa kanilang tinutuluyang hotel sa station 2 Boracay.
No comments:
Post a Comment