Posted September 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ikinustodiya sa himpilan ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang isa sa mga suspek sa umano’y nangyaring pambubugbog
sa tatlong turistang Arabo sa Boracay.
Kinilala sa blotter report ng Boracay PNP ang mga
biktima na sina Ibrahim Saleh Mohamed Alzarooni, 23 anyos, Osamah Alharbi, 25
anyos at Mohammed Abdulah Alhammad, 22 anyos.
Sumbong ng mga biktima, naglalakad ang mga ito sa
harapan ng isang restaurant sa Balabag Boracay alas onse kagabi nang sa hindi
malamang dahilan at walang probokasyon ay bigla umanong sinuntok ni Keynes Laserna,
23 anyos ng Brgy. Rizal, Nabas, Aklan si Alzarooni.
Dahil dito, nagalit din ang ibang kasamahan ng
Arabo at isang komosyon ang nangyari sa lugar.
Ilang sandali pa ay dumating din ang kasamahang
staff ni Laserna na nakilala kay “Reggie” at imbis na awatin umano ang gulo ay
tumulong pa ito sa pambubugbog sa tatlong turista.
Samantala, napag-alaman naman na nasa ilalim ng
nakalalasing na inumin si Laserna, kaya’t matapos na isagawa ang medical
check-up sa kanya ay pansamantala muna itong ikinustodiya sa BTAC.
No comments:
Post a Comment