Posted September 19, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinakasa ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay ang
resolusyon para sa pagkilala sa Boracay Action Group (BAG).
Ito’y matapos silang parangalan ng Philippine National
Police (PNP) bilang Best Performing NGO sa isla ng Boracay.
Ayon kay SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen
Aguirre epektibo umano bilang NGO ang BAG dahil sa kanilang hangarin at
pagtulong sa gawain ng PNP.
Nabatid na ang resolusyong ito ay tinalakay ni Aguirre sa
kanyang committee report sa ginanap na 28th Regular Session ng Malay nitong
Martes.
Maliban dito ang Boracay Action Group ay isang
organisayson sa isla na mayroong Fire truck unit at ambulansya na tumutulong
para rumispondi sa mga nagaganap na insidente sa isla.
Sa kabilang banda itinakda naman ni Aguirre sa calendar
para sa second at final reading sa susunod na session ang nasabing resolusyon.
Samantala, nabatid na nakatanggap din ng award mula sa
Police Regional Office 6 ang Boracay Action Group bilang supportive NGO for the
year 2013.
No comments:
Post a Comment