Posted September 17, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isang Korean Tour Guide ang minalas na nabiktima ng
kawatan habang naliligo sa beach kaninang madaling araw.
Ayon sa report ng Boracay PNP, nilimas ng kawatan ang 10
mil pesos, 100 US dollar na pera, at wallet na naglalaman ng mga card at ID ng
tour guide na nakalagay sa kanyang hand bag.
Aminado rin ang tour guide na iniwan niya ang kanyang bag
sa dalampasigan kahit may mga laman itong mahahalagang gamit at pera.
Samantala, ayon pa sa report, isang lalaki umanong
nakasuot ng jacket ang napadaan sa lugar na tila may kung anong hawak sa
kanyang kamay at papuntang station 3.
No comments:
Post a Comment