Posted September 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
“Ok” sa BFI o Boracay Foundation Incorporated ang
mungkahing discounted room rates para sa mga turistang Pinoy.
Ayon kay BFI President Jony Salme, maganda ang naging
hakbang ng DOT Region 6 para mapunan ang mga kinanselang room bookings ng mga
turistang Chinese sa Boracay matapos magbaba ng travel ban ang China sa
Pilipinas.
Aminado rin kasi si Salme na malaking bahagi ng tourist
arrival sa isla ang mga Chinese.
Subali’t paniwala ni Salme, nakadepende na sa mga resort
kung magkano ang ibibigay nilang diskwento.
Samantala, kinumpirma naman ni Salme na hindi gaanong
apektado ng bookings cancellation ang mga maliliit na resort sa isla kungdi ang
mga tumatanggap lamang ng mga group tours.
Magugunitang iminungkahi ng DOT 6 ang nasabing hakbang bilang
panandaliang solusyon sa mga bookings cancellation dulot ng travel ban ng China
sa bansa.
No comments:
Post a Comment