YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, September 16, 2014

Pope Francis, inaasahang dadalo sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015

Posted September 16, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo: Pope Francis might include Aklan in his visit next year.

A separate report on Panay News said Pope Francis is expected to visit areas hit hard by Typhoon Yolanda (Haiyan) last year, possibly including Aklan.

Organizers, however, have yet to finalize the pope's itinerary in the Philippines.

The Panay News report quoted Albert Menez, chairman of the Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival Foundation, Inc. (Kasafi), as saying the pope's visit will make the Ati-Atihan festival more meaningful to the devotees. — Joel Locsin/BM, GMA News
Photo Credit By Aklan Provincial Facebook
Inasahang makikisaya sa selebrasyon ng Kalibo Ati-Atihan Festival 2015 si Pope Francis.

Ito’y bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa bansa ngayong darating na Enero 15 hanggang 19 2015 sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda kabilang na ang probinsya ng Aklan.

Ayon naman kay Reverend Father Ulysses Dalida, Administrator ng Diocese ng Kalibo, itinakda na umano sa Enero 9 hanggang 18 ang schedule ng Ati-Atihan Festival para bigyang daan ang pagbisita ng Santo Papa sa mother of all festival sa bansa.

Nabatid na napag-usapan din ng Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation, Inc. (KASAFI) ang pag-iba ng schedule ng taunang selebrasyon ng Kapistahan ng Santo Niño tungkol dito.

Kaugnay nito aabot ng sampung araw ang pagdiriwang ng Ati-Atihan ngayong 2015 kumpara sa mga nakaraang taon na ipinagdiriwang lamang ng pitong araw.

Samantala, ikinatuwa naman ng mga deboto ni Senior Santo Niño ang inaasahang pagdalo ni Pope Francis sa nasabing kapistahan kung saan ito ang kanilang kauna-unahang pagkakataon na masilayan ang Santo Papa.

No comments:

Post a Comment