Posted September 19, 2014
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Nagpalabas na ng official statement ang Department of
Tourism kasunod ng travel advisory ng China sa kanilang mamamayan na ipagliban
muna ang pag-biyahe sa Pilipinas.
Ayon kay DOT Under Secretary Atty. Maria Victoria Jasmin,
isang isolated case ang nangyaring pagdukot sa isang Chinese teenager sa
Zamboanga.
Dagdag pa nito na ang mga otoridad ay gumagawa na ng
paraan para sa ikadarakip ng mga kidnappers.
Bagamat responsibilidad ng Chinese Ministry of Foreign
Affairs na paalalahanan ang kanilang mga mamamayan, wala naman umanong
malalaking insidente o krimen na sangkot ang mga Chinese sa ibang panig ng
bansa.
Pinasiguro din ng Department of Tourism na mapayapa at
ligtas pa ring bumiyahe sa Pilipinas sabay sa pagkumpirma na mahalagang market
pa rin sa turismo ang bansang China.
Dahil sa travel advisory, humihingi ngayon ang DOT ng
patuloy na suporta mula sa mga kaakibat sa industriya ng turismo.
Isa ang Boracay sa mga apektado ng travel advisory
pagkatapos na magkansela ng bookings ang ilan sa mga turistang Chinese nitong
mga nakaraang araw.
No comments:
Post a Comment