Posted September 20,
2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Mayor John, parang naging habit o ugali na ng
kumunidad sa isla ang paglilinis ng dalampasigan.
Maliban dito, dumadami na rin umano ang mga grupong
nagpapakita ng concern o pagmamalasakit sa isla dahil sa programa ng Boracay
Day.
Samantala, pansamantala munang kinansila ng Boracay Foundation
Inc.( BFI) ang nasabing coastal cleanup na gaganapin sana ngayong araw dahil sa
sama ng panahon dulot ng bagyong Mario.
Sa kabilang banda kampante namang sinabi ni Mayor John na
marami ang makikilahok na mga volunteers at organisasyon sa susunod na beach
cleanup sa isla.
Nabatid na taun-taong ginaganap ang international coastal
cleanup para mapangalagaan ang mga karagatan sa buong mundo.
No comments:
Post a Comment