Posted September 15, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nakatakdang libutin ng mga opisyales ng Department
of Tourism (DOT) at mga Media sa Aklan ang apat na munisipalidad sa probinsya.
Sa ipinadalang kalatas ng DOT Aklan, kabilang sa
apat na mga bayan sa Aklan na bibisitahin ang Madalag, Libacao, Ibajay at
Malay.
Ayon sa DOT ang programa ng ahensya na
“familiarization tour” ay ginagawa tuwing taon para ipakita at ipakilala ang
mga “tourist spot” na ipinagmamalaki ng probinsya ng Aklan.
Bahagi na rin umano rito ang pagpapaunlad ng
ugnayan ng sangay ng gobyerno sa hanay ng mga mamamahayag bilang partner sa
pag-unlad ng turismo sa probinsya.
Samantala, maliban sa mga magagandang lugar
pasyalan, ipinagmalaki naman ng DOT ang potensyal ng Aklan sa pag-unlad lalo na
sa larangan nang paghahabi ng pinya, raffia at sinamay na siyang ginagamit rin
sa kanilang gift at houseware items.
Tatagal naman ng tatlong araw ang nasabing
familiarization tour.
No comments:
Post a Comment