Posted September 15, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Katunayan, ipinag-utos ng Philippine Coastguard ang
pansamantalang pagkansela ng lahat ng water sports, at island hopping
activities kahapon dahil sa malalakas na alon at hangin.
Bagama’t tuloy ang biyahe ng mga bangka sa Tambisaan at
Tabon Port, pinayuhan naman ng Philippine Coastguard huwag pumalaot ang mga
maliit na bangka.
Kasabay nito, ipinagbawal din ng Life Guard Boracay ang
paliligo sa long beach.
Samantala, matapos ang kanilang ocular inspection,
kinumpirma naman ng coastguard na maaari nang ibalik sa normal ang operasyon ng
mga nasabing sea sports activities maliban sa parasailing.
No comments:
Post a Comment