Posted September 18, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sa ipinakitang talaan ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC), ilang operasyon na ang kanilang ginawa kaugnay sa mga menor de
edad na nagnanakaw sa Boracay.
Ayon na rin sa BTAC, dahil sa umiiral na batas kaugnay sa
problemang sangkot ang mga menor de edad, kanilang isinasailalim sa poder ng
Malay Municipal Social Welfare and Development (MSWD) sa ang mga batang
lansangan.
Ito’y upang magawan ng angkop at tamang ugnayan sa mga
magulang at kamag-anak ng mga ito.
Samantala, sinabi naman ni Malay MSWD Head Magdalena
Prado na isa na ito sa kanilang mga tinututukan.
Subali’t dahil sa kakulangan din umano ng tauhan,
nanawagan naman ng kooperasyon ang MSWD sa mga residente at opisyales ng
barangay tungkol dito.
No comments:
Post a Comment