Posted September 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Magandang balita sa mga gustong makatipid at umiwas sa
mahabang biyahe para makapunta ng Palawan mula sa isla ng Boracay o vice-versa.
Pinaglapit na ng Air Juan Aviation Company ang dalawang
nangungunang tourist destination sa Pilipinas-ang Boracay at Coron, Palawan.
Sa pamamagitan ito ng pormal na pagbubukas kahapon ng Air
Juan ng ugnayan sa pagitan ng Busuanga (BUSWANGGA)-Coron Airport at Godofredo
Ramos International Airport sa Caticlan.
Ayon kay Coron Mayor Clara Reyes, magastos at mahabang
biyahe ang kailangan upang makapunta sa isla ng Boracay kung galing ka ng
Coron, Palawan.
Kaya naman panahon na rin umanong magkaroon ng
inter-island connection para sa mga nabanggit na tourist destination.
Samantala, nabatid na ang nine-seater Grand Caravan EX na
eroplano ng Air Juan ang magdadala ng mga pasahero mula Boracay papuntang
Busuanga-Coron Airport sa pamamagitan ng 45 minute charter flight.
No comments:
Post a Comment