Posted September 18, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Sa kanyang unang command conference, inatasan ni PSSupt.
Iver Apellido ang mga chief sa Aklan na tutukan ang mga crime prone-areas sa
kanilang nasasakupan at pag-ibayuhin ang kampanya laban sa kriminalidad.
Isa din sa tututukan umano ni Appellido ang pagpapatupad
ng Philippine National Police (PNP) integrated PATROL system.
Aminado naman ang bagong APPO Chief na kailangan nito ang
kooperasyon ng kumunidad para sa nasabing kampanya.
Nabatid na umupo bilang hepe ng Aklan Police Provincial
Office nitong nakaraang Biyernes si Apellido kapalit ng na-relieve na si APPO
OIC PSSupt. Samuel Nacion.
No comments:
Post a Comment