Posted September 16, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Municipal Engineer OIC Engr.Arnold Solano,
magtutuloy-tuloy na ang t
ubig sa drainage matapos itong pagtulungang linisin ng
Boracay Redevelopment Task Force, BSWAT at Boracay Action Group nakaraang
linggo.
Maliban dito, nag-usap na rin umano sila sa LGU at
BIWC kaugnay ng pagbubukas ng iba pang man hole para sa paglilinis ng iba pang
drainage sa isla.
Magugunitang madalas binabaha ang kalsada sa harap
ng Boracay Hospital dahil sa saku-sakong latak at tumigas na sementong nakuha
sa drainage na ikinadismaya mismo ni Boracay Island Administrator Glenn
Sacapaño at BFI President Jony Salme.
No comments:
Post a Comment