Posted
November 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakapagtala ng zero related incidents sa Undas ang Aklan
Provincial Police Office (APPO) sa probinsya ng Aklan simula kahapon ng umaga.
Ayon kay Public Information Officer PO3 Nidas Gregas,
matiwasay at walang insidenteng naganapa sa probinsya sa panggunita ng araw ng
mga patay o All Saints Day at All Souls Day.
Napag-alaman na ipinakalat ang mga pulis sa lahat ng
sementeryo para sa lalawigan para magbantay ng seguridad sa mga taong dadalaw
sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Maliban dito may mga inilagay ding pulis sa mga pamilihan
ng bulaklak, terminal ng buss at sa mga pangunahing kalsada para sa “Oplan
Kaluluwa” katuwang ang Department of Public Works and Hi-ways, Disaster
Response Team, Philippine Army at iba pang Law and enforcers.
Samantala, magpapatuloy pa rin umano ang kanilang
security coverage hanggang bukas
Nobyembre 3 kung saan naka full alert status parin umano ang lahat ng
hanay ng mga kapulisan sa probinsya.
No comments:
Post a Comment