Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Pasa at sugat ang tinamo ng isang lalaki matapos
pagtulungan bugbugin ng walong kalalakihan sa Brgy. Yapak Boracay kagabi dahil
lamang sa aso.
Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang
si Johnny Adegue, 25-anyos ng Sibuyan Romblon at temporaryong nakatira sa
nasabing Brgy.
Sa imbistigasyon ng mga pulis, pauwi na umano ang biktima
sa kanyang tinitirahan ng makasalubong ang isang aso na panay ang tahol sa
kanya.
Dahil umano sa takot na baka kagatin siya nito ay mabilis
siyang kumuha ng bato at ibinato sa aso ngunit hindi niya ito natamaan at sa
halip ay tumama ito sa isang bahay kung saan mayroong nag-iinuman.
Dito na umano lumabas ang mga suspek at isang mainit na
argumento ang namagitan sa kanila kung saan agad siyang pinagtulungang bugbugin
ng sinasabing walong kalalakihan.
Samantala, nagpapatuloy naman ang imbistigasyon ng
Boracay PNP hinggil sa nasabing insidente habang ang biktima ay nagpapagaling
sa isang pagamutan sa Boracay.
No comments:
Post a Comment