Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umiiyak na nagsumbong sa Boracay Tourist Assistance Center
ang isang Ukrainian national matapos manakawan sa Sitio Bulabog Boracay
kaninang alas-4 ng madaling araw.
Si Ganna Marchenko, 25-anyos at bakasyunista sa Boracay
ay nagulat ng magising sa kanyang inuupahang hotel na wala na ang kanyang Samsung
Note4 cellphone na nakapatong sa kama.
Maliban dito nawala rin na naglahong parang bula ang
kanyang dalawang bag na naglalaman ng 20 mil pesos, 69 Hong Kong Dollars, 150
US Dollars, Kite Glasses kasama pa ang mga importanteng gamit katulad ng debit MasterCard,
driving license, black e-book, Ukraine passport at National passport.
Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar ng
insidente para magsagawa ng imbestigasyon at kung paano nakapasok ang hindi
nakilalang kawatan sa loob ng kwarto ng biktima.
No comments:
Post a Comment