Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mahigit sa limang oras na nag-tour ang mga sakay na
pasahero ng “MS Legend of The Seas” sa isla ng Boracay kahapon araw ng Martes.
Tinatayang nasa dalawang libong pasahero ang sakay ng
nasabing barko para sa International tour nito kahapon kung saan nag-stop over
ito sa Maynila, Boracay at Coron Palawan.
Enjoy naman at masayang inikot ng mga turista ang mga pangunahing
tourist destination sa Boracay kabilang na ang white beach, D’Mall, Puka Beach
at ang pagsasagawa ng island hopping activity.
Karamihan naman sa mga sakay ng Cruise ship ay mula sa
America, Australia at Great Britain habang mayroong 724 international crew kung
saan dalawang daan at limampu rito ay mga Pinoy.
Maliban dito masayang sinalubong ng rondalya ang mga
pasahero pababa ng barko kung saan sinabitan din sila ng lay at sombrero bilang
pagbati at pag-welcome sa kanila sa isla ng Boracay.
Nabatid na ang “MS Legend of The Seas” ay dalawang beses
ng bumisita sa Boracay kung saan isa ito sa mga nagdala ng pinakamaraming
turista na sakay ng barko sa isla.
Samantala, bago matapos ang taong 2015 ay mayroon pang
dalawang barko ang inaasahang dadaong sa Boracay ngayong Nobyembre 17 at isa
naman sa Disyembre.
No comments:
Post a Comment