YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 03, 2015

Pasilidad sa Boracay para sa mga PWD’s hiniling

Posted November 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hiniling ng National Council on Disability Affair sa Local Government Unit ng Malay na dapat ay magkaroon ng mga pasilidad para sa mga persons with disabilities (PWDs) sa Boracay.

Ito ang panawagan ni NCDA Executive Director Carmen Zubiaga sa isinagawang seminar para sa handling persons with disability nitong Oktobre 28-29 sa Boracay.

Ayon kay Zubiaga dapat lang umanong magkaroon ng maayos na mga pasilidad sa pantalan at mga public areas sa isla hindi lang para sa turista kundi lalo na sa PWDs.

Kaugnay nito hinikayat naman ni Zubiaga ang lahat ng mga business establishment sa isla ng Boracay na kailangang magkaroon sila ng PWD-friendly facilities.

Samantala ang dalawang araw na seminar ay dinaluhan ng ibat-ibang organisasyon sa Boracay, at Tourism frontliners na isinagawa ng Department of Tourism Central Office at DOT Region 6 sa pakikipagtulungan sa NCDA.

No comments:

Post a Comment