Posted
November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang mga
turista sa isla na maging vigilante sa kanilang mga bagahi.
Ito’y kaugnay sa isyu na “Laglag Bala” sa Ninoy Aquino
International Airport (NAIA) kung saan ilang turista at OFW na ang nabiktima ng
nasabing kontrobersya.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, pinapayuhan umano nila ang mga turista lalo na ang
pumupunta sa kanilang opisina na palaging e-check ang kanilang mga bagahi bago
pumasok sa airport.
Sinabi nito na kung meron man umanong mga dalang
prohibited na gamit ang mga turista ay dapat e-disclosed muna ito sa mga
nakabantay na pulis o sekyu bago pumasok sa airport upang malaman nila kung ano
ang maaari nilang gawin ng walang mangyayaring problema.
Samantala, sa ngayon umano ay wala pa namang silang
natatanggap na mga cancellation of bookings ng mga turista na pupunta sa isla
ng Boracay.
Dagdag ni Velete na baka dumami na ang mga turista
ngayong buwan at sa Disyembre dahil sa mga holiday season.
Nabatid na marami ngayon ang nababahala sa naturang isyu
sa NAIA dahil sa maaaring maka-apekto ito sa turismo ng bansa.
Ang “Laglag Bala” ay sinasabing kagagawan ng mga tiwaling
empleyado ng airport upang perahan ang mga turista.
No comments:
Post a Comment