Posted
November 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nababahala ngayon ang Boracay Foundation Incorporated
(BFI) sa anomalyang nangyayari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
dahil sa “Laglag bala”.
Ayon kay BOD Nenette Graf ng Boracay Foundation, maaaring
makaapekto sa turismo ng bansa lalo na sa isla ng Boracay ang nasabing modus operandi
dahil matatakot ng pumunta sa bansa ang mga turista.
Aniya, ito ay isang International embarrassment na maaaring
magiging dahilan ng pagbaba ng turismo kung hindi agad mabibigyang aksyon ng
mga kinauukulan.
Samantala, sinabi nito na dapat magtulungan ang lahat
para e-discourage ang mga turista na huwag dumaan sa NAIA kung pupuntang
Boracay sa halip ay mayroon naman umanong mga direct flights sa Kalibo International
Airport.
Sa ngayon umano ay nagsasagawa sila ng monitoring kasama
si BFI President Dione Salme na e-check ang lahat ng kanilang members kung
mayroong mga cancellation dahil sa nasabing kontrobersya.
Ang “Laglag-Bala” sa NAIA ay trending ngayon sa buong
mundo dahil sa mga tiwaling empleyado na sinasabing naglalagay umano ng mga
bala sa bagahi ng mga turista at saka hinuhuli at pinagbabayad ng malaking
halaga.
No comments:
Post a Comment