Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas araw ng Linggo Nobyembre 8 ang ikalawang taong
anibersaryo ng Super Typhoon Yolanda na tumama sa Tacloban City at Western
Visayas noong 2013.
Dahil dito magsasagawa ng “Yolanda Run” ang Bagong
Alyansang Makabayan (Bayan) Aklan na gaganapin sa Pastrana Park hanggang sa
Kalibo-Numancia Bridge bukas.
Maliban dito isang fluvial parade din ang isasagawa sa
bayan ng Kalibo na susundan naman ng march rally na sasamahan ng mga matinding
naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Nabatid na isa ang probinsya ng Aklan sa mga matinding
naapektuhan ng manalasa ang super typhoon Yolanda sa lalawigan kung saan sumira
ito ng daan-daang kabahayan kasama na ang mga agrikultura at iba pang-pangkabuhayan.
Sa kabila nito mananatili umano sa alala ng mga biktima
ng bagyong Yolanda sa Aklan ang nasabing kalamidad dahil sa matinding pinsala
na iniwan nito kung saan ilan sa mga ito ay hindi pa tuluyang nakakabangon.
No comments:
Post a Comment