Posted October 31, 2015
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakahanda na ang Bureau
of Fire Protection (BFP) Boracay sa Undas umpisa bukas All Saints Day araw ng Linggo at sa All Souls Day sa Lunes.
Ayon kay Bureau
of Fire Protection (BFP)-Boracay Fire Inspector Stephen Jardeleza, naka-full
alert status na umano ang kanilang hanay para bukas hanggang sa araw
ng Lunes.
Nagbigay din ng
paalala si Jardeleza na huwag basta-basta mag sindi ng kandila sa hindi ligtas
na lugar lalong-lalo sa mga kabahayan dahil maaaring maging sanhi ito ng sunog
kung hindi mababantayan.
Dagdag pa nito
patuloy din umano ang kanilang pagbibigay ng mga flyers na naglalaman ng mga
paalala tungkol pag-iingat sa sunog sa mga residente sa Boracay.
Sinabi din nito
na limited lang ang kanilang mga personnel kung saan naka-focus sila sa
Manoc-manoc cemetery kung saan inaasahan ang pagdagsa ng maraming tao na
dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.
No comments:
Post a Comment