Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wala umanong dapat ikabahala ang mga pasaherong dadaan sa
Kalibo International Airport tungkol sa “Laglag Bala” scam na nangyayari ngayon
sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang pagtitiyak ni Inspector Renier Doliente, chief ng
KIA’s Aviation Security Unit (AVSEU), matapos silang magpatawag ng meeting
kaugnay sa nasabing kontrobersya.
Aniya, ginagawa umano ng mga security personnel ng KIA
ang lahat ng kanilang effort para masiguro na walang mangyayaring “laglag-bala”
katulad sa NAIA at Davao International Airport.
Maliban dito binigyan na rin umano ng paalala ang lahat
ng KIA security at immigration personnel tungkol sa Republic Act No. 10591 or
the Comprehensive Firearms and Ammunitions Law.
Samantala, pinayuhan naman ng Department of Tourism (DOT)
Boracay ang mga turistang pumupunta sa kanilang opisina na maging vigilante sa
kanilang mga bagahi tuwing dumaan sa airport.
No comments:
Post a Comment