Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Isa ang
pinaniniwalaang patay sa nangyaring barilan sa Callerojan Sitio. Cagban, Brgy. Manoc-manoc Boracay kaninang
alas-3 ng madaling araw na kinakasangkutan ng mga security guard.
Sa report ng
Boracay PNP, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga concerned citizen sa lugar
na meron nangyayaring komusyon sa nasabing area.
Mabilis namang
rumisponde ang mga kapulisan sa pangunguna ni PSI Fedel Gentallan, OIC ng BTAC
para e-verify ang nasabing report.
Pagdating sa
lugar nakarinig agad umano sila ng putok sa sinasabing disputed na lupain kung
saan nagpakilala naman umano silang bilang mga pulis ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC).
Maliban dito
gumamit din umano sila ng siren ng kanilang mobile car bilang signal na sila ay
mga police officer sa labas ng mataas na concrete fence (bakud).
Ngunit sa kabila
nito patuloy parin umano ang palitan ng putok kung saan napapansin umano nila na
ang mga putok ay tila malapit na sa kanilang area.
Dahil dito
mabilis na humingi ng tulong ang Boracay PNP sa Philippine Army, Philippine Coastguard
at Maritime Police at dito ay agad nilang pinalibutan ang lugar habang hinihintay
ang grupo ng FESSAGS mula sa Aklan Police Provincial Office.
Samantala, sa
kaparehong oras nagsagawa naman ang Maritime Police ng sea patrol sa harap ng
disputed na lupain kung saan dito nila napansin ang isang lalaking nakuhandusay
sa bato na sinasabing patay.
Ang nasabing
insidente ay patuloy ngayong iniimbestigahan ng mga pulis kasabay ng ginagawang
inventory sa mga ginamit na baril sa sinasabing madugong bakbakan.
No comments:
Post a Comment