Posted November 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa mahigit 1.2 Milyon na umano ngayon ang naitalang
tourist arrival sa Boracay sa loob ng walong buwan nitong taong 2015.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, kukunti nalang ang kailangan para maabot ang target na
1.5 Milyon tourist ngayong 2015 sa Boracay.
Sinabi nito na maaari nilang maabot ang target dahil na
rin sa papasok na ang peak season sa Boracay kung saan inaasahan ang pagdagsa
ng maraming turista lalo na ngayong holiday season.
Maliban dito dadagdag pa sa nasabing bilang ang pagdating
ng cruise ship kaninang umaga kung saan sakay nito ang tinatayang dalawang
libong turista na magto-tour sa Boracay.
Napag-alaman mula sa datos ng Department of Tourism na
ang 1.2 Milyon tourist na naitala sa loob ng walong buwan ay simula Enero
hanggang Setyembre kung saan hindi pa kabilang rito ang buwan ng Oktobre.
Samantala, tiwala naman ang DOT na maabot ngaong taon ang
target na 1.5 Milyon tourist arrival sa Boracay matapos mabigo noong nakaraang
taon na umabot lamang sa mahigit 1.3 million tourist.
No comments:
Post a Comment