Posted November 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinumpirma ngayon ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC)
ang pangalan ng namatay na sekyu sa nangyaring engkwentro dahil sa land dispute
sa Boracay kahapon.
Sa blotter report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang
si Orchi Hilario, 30 anyos ng Brgy. Bay-Ang, Batan, Aklan at nagbabantay bilang
isang security guard sa Callerojan Sitio. Cagban Manoc-Manoc.
Ang biktima ay nagtamo ng tama sa binti matapos siyang
baril habang nakatayo sa pangpang kung saan dito naman siya nahulog sa bangin
na may lalim na 15ft na siyang naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Napag-alaman na pinagbabaril siya ng kapwa sekyu nito na
pumasok sa area na kanyang binabantayan bandang alas-3 ng madaling araw kahapon
dahil sa sinasabing away sa lupa.
Samantala, ang biktima ay iniuwi na sa bayan ng Batan
kung saan nakatakdang isailalim ang katawan nito sa autopsy.
No comments:
Post a Comment