Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Balik pasukan, kaya balik din sa kanilang kampanya ang ECPAT-Philippines
at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) laban sa Child Protection
"Child Safe Tourism" sa isla.
Ito ay pinangunahan mismo ni Nova Regalario, Community
Development Officer ng ECPAT-Philippines, SP01 Christopher Mendoza at P01 Christine
Magpusao, PCR PNCOs ng BTAC at Municipal Council for the Protection of
Children-Malay.
Dito nag-ikot sila sa mga paaralan sa Boracay para
bigyang ng kaalaman ang mga kabataan tungkol sa kanilang kampanya at kung paano
nila mapapangalagaan ang kanilang sarili laban sa mga mang-aabuso sa kanila.
Layun ng nasabing kampanya na mailayo ang mga kabataan sa
pang-aabusong sekswal katulad ng prostitusyon, pornography at trafficking.
Ang ECPAT o End Child Prostitution ay karaniwang
naka-pokus sa mga lugar na dinadayo ng mga turista kung saan karamihan sa mga
umaabuso sa mga kabataan ay sinasabing mga dayuhan.
No comments:
Post a Comment