Posted November 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na natuloy ang sanay bakasyon sa Maynila ng isang
empleyado mula sa Boracay matapos ang ginawang illegal transport ng Crystal stone
sa Caticlan Airport kaninang umaga.
Sa report ng Malay PNP Station, nakuha mula sa ginang ang
crystal stone na nakabalot sa itim na tela at packing tape habang sinusuri ang
kanyang bagahi sa x-ray machine ng nasabing paliparan.
Ayon kay Malay PNP investigator PO1 Gerald Ilig, agad
umanong dinala sa holding area ng Aviation Security ang ginang na si Jocelyn
Lacueste 46-anyos at housekeeping supervisor ng isang resort sa Boracay matapos
ang nasabing insidente.
Dahil dito, pinaamoy naman sa K-9 ang nasabing crystal
stone kung may sangkap ito ng illegal drugs ngunit negatibo naman ang naging
resulta.
Dagdag pa ni Ilig, sinasabi umano ng ginang na pinadala
lang umano sa kanya ang nasabing crystal stone ng hindi rin nakilalang babae
kung saan may kukuha umano nito sa kanya pagdating sa Maynila.
Kaugnay nito pinagmulta naman ng MENRO ang ginang ng
dalawang libo at limang daang peso bilang paglabag sa Municipal Ordinance No.
141 ng LGU Malay, kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pag-transport ng
buhangin at mga bato mula sa Boracay.
Matapos makapag-bayad ay agad namang pinalaya si Lacueste
ngunit hindi na umano ito matutuloy sa pag-uwi sa Maynila dahil sa wala na
siyang pera.
Nabatid na ang crystal stone ay kadalasan umanong
kinukuha mula sa mga kweba kung saan ito umano ay mga buhay na bato na
ginagamit bilang paggawa ng alahas o panggamot at iba pa.
No comments:
Post a Comment