YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 06, 2015

LGU Malay dismayado sa ilang water sports association sa Boracay

Posted November 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mga bangka sa beach boracayDismasyado sa ilang water sports association ang Environmental Office ng Malay dahil sa hindi pagsunod sa Municipal Ordinance 157 ng LGU Malay.

Ito’y matapos ang isinagawang Coastal Inter Agency Meeting kahapon na pinamunuan ni EMS Administrative Assistant Adel Lumagod.

Ayon kay Lumagod, paulit-ulit nalang ang kanilang pagpapatawag ng meeting dahil sa hindi pagsunod ng mga water sports association ng tamang anchoring ng kanilang mga bangka para sa island hopping activity sa front beach.

Sa kabila nito naging emosyonal naman si Malay Sea Patroller Louie Jun Gumboc sa nasabing meeting kahapon dahil sa pagmamatigas ng mga asosasyon na sumunod sa nasabing ordinansa.

Samantala, ipinunto ni Gumboc na ang layunin lang nila ay mapangalagaan ang mga coral reef sa isla ng Boracay na siya namang nangangalaga sa puting buhangin ng isla.

Nabatid na ang anchoring ng mga bangka ay dapat nasa pagitan lamang ng Fridays Resort hanggang Diniwid at sa may station 3 naman ay nasa pagitan ng Angol point.

Napag-alaman na ang mga pasaway na asosasyon ay pinagmumulta at pinagbabayad ng citation ticket ngunit sinasabing ilan sa mga ito ay nagmamatigas at walang pakialam sa ordinansa.

No comments:

Post a Comment