Posted November 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inimbitahan ng Department of Tourism (DOT) Boracay ang
ilang media at tour operations mula sa Bangladesh at Vietnam para e-market ang
isla sa naturang mga bansa.
Ayon kay DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant
Kristoffer Leo Velete, ang Bangladesh at mga Vietnamese ang kanilang panibong target
market para e-promote sa mga ito ang kagandang ng isla ng Boracay.
Bukas umano ay nakatakdang pumunta ang grupo ng ilang
media at tour operations ng Bangladesh sa Boracay hanggang sa araw ng Sabado para
subukan ang ibat-ibang aktibidad sa isla kasabay ng pag-market rito ng DOT.
Kasunod nito ang malalaking media network at opisyal ng Vietnam
naman umano ang pupunta sa Boracay para sa kaparehong aktibidad.
Samantala, sinabi pa ni Velete na hindi lang sila
naka-pokus ngayon sa mga bansang kagaya ng Korea, China at Japan para e-market
ang isla ng Boracay.
Nabatid na kukuha ang mga ito ng ibat-ibang larawan ng
Boracay at mga video footages na ipapalabas naman sa naturang mga bansa ng sa
gayon ay makapukaw ng atensyon ng mga turista mula sa kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment