Posted November 3, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muntikan ng matupok ng apoy ang isang opisina sa Galaxy
Residence sa Station 1 Balabag, Boracay kaninang ala-1: 30 ng hapon dahil umano
sa aircon.
Ayon kay F03 Franklin Arubang ng Bureau of Fire
Protection Unit (BFPU) Boracay isa umanong lalaking nag-tratrabaho sa nasunog
na opisina ang nakakita sa nasabing insidente habang siya ay nasa labas para bumili
ng pagkain.
Dahil sa kapal ng usok sa loob ay nahirapan umano siyang
pumasok sa loob kung saan humingi siya ng tulong sa mga tao sa lugar at doon ay
gumamit sila ng fire-distinguisher upang maapula ang apoy.
Agad namang rumispondi ang mga bombero sa lugar ngunit
patay na rin ang apoy ng dumating ang mga ito sa tulong ng mga rumisponding
residente.
Sa ngayon patuloy na inaalam ng BFP kung saan nagmula ang
naturang apoy at kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog, ngunit sinasabing
sa aircon ito nanggaling.
Napag-alaman na kasama sa mga natupok ng apoy ang isang
unit na flat screen TV, mga importanteng papeles at ilang silya.
Samantala, wala namang nasugatan o nadamay sa sunog dahil
sa walang tao sa loob ng opisina ng maganap ang insidente.
No comments:
Post a Comment