YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, February 25, 2015

Paglalagay ng buoya sa mga mooring areas, ipinaalala ng MAP-Boracay

Posted February 25, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for remindersIpinaalala ngayon ng MAP o Municipal Auxiliary Police-Boracay ang paglalagay ng buoya sa mga designated mooring areas sa Boracay.

Kaugnay ito sa reklamo ng ilang establisemyento sa beach front ng station 3 sa mga bangkang nakaparada doon sa dalampasigan.

Maliban kasi sa mistula naging over crowded na umano ang lugar, nagrereklamo din ang kanilang mga guest dahil hindi na rin ang mga ito basta mapag-swimming dahil sa dami ng mga bangka.

Ayon sa mga taga MAP-Boracay, nakasaad naman sa ordinansa ang tungkol sa paglalagay ng bouya o palutang sa mga mooring areas upang maiwasan ang anumang sakunang maaaring idulot ng mga dumadaong na bangka.

Tinukoy naman sa Municipal Ordinance No. 157, Series of 2002 na ang pagitan ng Cagban at Lorenzo South, Din-iwid at, Fridays Resort area ang siyang mga designated mooring areas para sa mga motorboats at sea crafts na hindi lalagpas sa 18 tonelada.

No comments:

Post a Comment